
May mga pagkakataong hindi dapat palampasin sapagkat wala namang mawawala sayo kung susubukan. Magugulat ka na lang, sa ginawa mong ito, may di inaasahang magandang kapalit!
Bilang project namin sa CWTS, in'encourage kami ng aming prof na umattend ng seminar about blood transfusion. Ooooze...napakalalim pakinggan nuh? Blood transfusion...nosebleed! So since required siya, ang buong klase ay umattend. So ayun, puro orientation taz blah blah blah. To make the story short, it was enough to convince me to volunteer. Nung napakinggan ko yung testimonial of people who had undergone such operation, no 2nd thoughts...MASUBUKAN NGA!
So dumating na ang said date, it was challenging! Out of tens of my classmates na ng'try 3 lang ang pumasa and nakapagdonate ng dugo! Ano to audition?! So fingers crossed, pumunta ako sa venue at laking gulat ko na madami pala ang interested to volunteer. One word...audition! Parang audition talaga! At may 5 levels to surpass!
LEVEL 1: Bigaten Ka Ba?!
May required weight. Yup! 48 kgs or 110 lbs sumting. May blockmate ako na mukang kulang ang nakain na kanin noong breakfast kaya ayun, 47 kgs lng...hindi pwede. Ang harsh nuh?! Pero merong health connections tuh...cguro nman. So its my turn, I stuffed myself ng mga kung anu-anong pampabigat. Panyo, bolpen, wallet...yun pala may inspection! Dapat hubad...ang sapatos! Haha! Taz no other things ang naka'intact sayo. Fortunately, sakto! 48 kgs ako! Haha! Im off to level 2! Tenen!
LEVEL 2: The JURY!
May interview pang alam! So kelangan mg'fill up ng form. Then you have to submit it to the JURY! Talagang i'scrutinize nila yung sinulat muh! Magta2nung'tanung ng kung anu-ano. Kilabot pero bearable naman! Mejo skeptic tone nila. Parang ayaw nila maniwala na wala akong sakit. Mukha ba akong adik?! Anyway, I passed and Im another step closer to my goal! Tenen!
LEVEL 3: The SORTING SPLAT!
Kung fan ka ni Harry Potter, may idea ka sa 'sorting hat'. Same case here. Pero hindi ko sinasabing may ipa2suot na hat ang redcross at sisigaw ng "Gryfindor!" (biased! Gryfindor talaga ang example! Haha!). Dito, i'pprick ka ng isang naga2ndahang dilag taz yung splat ng dugo mo will determine kung anong blood type ka. May nilalagay silang makamandag ng kemikal na magkakaroon ng reaction sa dugo mo! Sana ginawa nilang creative...dapat sisigaw ung redcross ng "BLOOD TYPE B!". Haha! Yun ung blood type by the way.
LEVEL 4: The COLD One!
So kung naglalaro ka naman ng computer games, ito ung parang mini-boss! Sumunod ako sa isang table ng isang certified medical pratitioner! Hahaha! Mejo chubby na doc. So in'inspect nya ako. Sinigurado nya na wala akong AH1N1 or AIDS or herpes. Basta...an'lamig ng kamay nya! Siguro kabado lang ako kasi malapit ko nang harapin ang boss. Dito sa level na to namatay este natanggal ang blockmate ko. Hindi siya pumasok sa required blood pressure. Well ako pumasa naman! Bilang ultimate attack ng mini-boss na to, idinikit nya sa akin ang CIRCLE of ICE and DOOM! Toinkz! Joke lang...stethoscope lang yun! Wala lang, sobrang lamig lang kasi nun eh. Biglang ng'jolt ung katawan ko. Brrrrr! Eto na...kakalabanin ko na si BOSS!!! Tandantandan!
LEVEL 5: Ultimate Superduper Ferrocious Sucker of Doom!
This is it! Ito ang Kuppa ni Mario, Sabertooth ni Wolverine, Mojo Jojo ng Powerpuff Girls at Braguda ni Darna. In other words, ito ang final enemy to get through! Pinapunta ako sa isang kama. Pinahiga. Pinakalma. Huh?! Paano magiging kalmado kung sa ilang sigundo eh tuturukan ka na ng karayom! Hindi naman ako takot doon pero siyempre yung injections tuwing nasa ospital ay baka may certain differences tuwing blood transfusion! Malay natin, sa blood donating ay umiikot ang karayom at nag'pupump na parang sewing machine! Who knows?! Ayan na! Nilabas na...ito na ang final blow ng kalaban. Maka-survive kaya ako?! Tsuk! Awts! Kagat ng langgam. Langgam na kasing laki ng ipis. Pero well...bearable naman. So pinapa'squeeze sakin ang isang massage ball para daw tuloy-tuloy ang pumping.
Sa mga panahong ito...boooorrring! Nakahiga ka lang at wala kang pwedeng tingnan kundi ang orasan, ceiling, massage ball, mukha ng attendant, orasan, ceiling, mukha ulit. Nakakaurat! Masarap sana kung may mp3 ka at ang now playing ay "Pump it louder! Pump it louder! Pump it louder" ng Black Eyed Peas! So I was bored to death for 20 minutes! At last tapos na! Pinalapit ako sa isang girl who would finally give the trophy! Isang baller which clearly states...
Nakanantuts! Tears of joy! So kinda feeling groggy nang may bonus round pa pala! In'approach ako ng ng isang PUPian volunteer at pinapasok sa heaven. Hindi pa ako patay pero sa mga panahong iyon, ang sarap ng feeling! Libreng snacks...unlimited! Hahaha. So I did what I do best...eat!
Generalization, blood donating doesn't give you that spiritual feeling. Well in my case, wala namang Jesus na nagpakita sakin. Taking it as it is, manghihina ka after ng procedure. Masasakta ka sa pricking at injecting. Now who would want that?! Pero you know what, everytime na may nakikita akong ospital or clinic or napapabalitaang kaso ng taong nangangailangan ng dugo merong satisfaction. Its like having your very own bragging rights. You can say to yourself, "Who know's, my blood is already the extension of another person's life." Hindi ko naman pino'point out na dapat mung ipamuka sa tao ng you did this and that. Pero you can have the satisfying feeling na you did something not all is willing to do.
You can feel inside you that you've become a more important person. And maybe that's the essence of this. Blood donating makes people realize that they are important because other people need them.
So a week later, I received a good news. Bawat donor pala ay may raffle stab. At there are lots of prizes for grabs. I may not have won the ultimate prize, pero the thing is, I won a prize. I received a 2 GB USB Flash Drive! Cool cool!

with special features:
- easy to share and store files
- proffesional and reliable design
- convenient to carry
- password protection software
- no installation required
- 5 year limited warranty
See?! Ang laking happiness yan di ba?! Ang kapalit ng aking dugo ay naggagandahan at ubod ng garang USB!
So JAM's Exclamation Point of View...
sa blood donating experience...
2nd time?!
-----------------------------------------------------------------



No comments:
Post a Comment